Pasanin ang Krus at Sumunod kay Jesus

July 8, 2018 – Tagalog Worship Service
by Pastor Victor Cuarto

Mateo 16:24-26 Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)

Pasanin ang Krus at Sumunod kay Jesus

24 Pagkatapos ay sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad, “Kung ang sinuman ay nagnanais sumunod sa akin, talikuran niya ang kanyang sarili, pasanin ang kanyang krus, at sumunod sa akin. 25 Sapagkat sinumang nagnanais magligtas ng kanyang buhay[a] ay mawawalan nito; ngunit ang sinumang mawalan ng kanyang buhay alang-alang sa akin ay kanyang matatagpuan ito. 26 Sapagkat ano ang magiging pakinabang ng tao, kung makamtan niya ang buong daigdig subalit buhay naman niya ang kapalit? O ano ang maibibigay ng tao, kapalit ng kanyang buhay?